Wednesday, November 23, 2011

Ang Rodriguez (na dating kilala bilang Montalban) ay isang unang klaseng munisipalidad sa lalawigan ng Rizal, Pilipinas. Ito ang pinakahilagang bayan ng lalawigan at dumarating pagkaraan ng San Mateo, kapag magmumula sa Kalakhang Maynila. Nakalagak ang bayan sa mga libis ng nasasaklawan ng bulubundukin ng Sierra Madre at nagtataglay ng maraming mga pasyalang pook. Ito rin ang pinakamalaking bayan sa lalawigan ng Rizal. Ayon sa senso ng 2007, mayroong itong populasyong 187,750 (115,167 katao sa 24,524 kabahayan noong senso ng 2000).
Sinasabing naganap ang alamat ni Bernardo Carpio sa bulubundukin ng Montalban. Naglalahad ang alamat ng kuwento hinggil sa isang higanteng hindi makaalis mula sa pagitan ng dalawang bundok.